Ang Pahayagan

Drug den sa Subic binuwag ng PDEA

ZAMBALES– Nadiskubre ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang hinihinalang drug den na humantong sa pagkakaaresto sa tatlong umano’y drug suspect at pagkakasamsam ng humigit-kumulang Php 54,000.00 halaga ng shabu kasunod ng drug entrapment operation sa Barangay Calapacuan sa bayan ng Subic noong Sabado ng gabi Hulyo 12, 2025.

Ayon sa PDEA, inaresto ang umano’y operator ng den na kinilala sa alyas na “Kuya Jun,” 41 taong gulang at ang dalawa pang kasamahan nito na sina alyas Nol, 42, at alyas Jon-Jon, 20 taong gulang.

Narekober ng mga operatiba ang humigit-kumulang sa walong gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php 54,000.00, iba’t ibang drug paraphernalia, at ang marked money.

Ang operasyon ay isinagawa sa pagtutulungan ng mga tanggapan ng PDEA sa Tarlac at Zambales at lokal na pulisya.

Inihahanda na ngayon ang mga kaukulang kaso sa ilalim ng Republic Act 9165 para sa pagsasampa sa mga suspek.

Leave a comment