Ang Pahayagan

BOC napigilan ang ng tangkang pagpuslit ng P2,444M halaga ng Ecstasy at iba pang bawal na droga

CLARK FREEPORT ZONE– Matagumpay na naharang ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Clark, sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency – Airport Interdiction Unit (PDEA-AIU), ang isang parsela na naglalaman ng iba’t ibang mapanganib na droga, kabilang na ang Ecstasy o “party drugs,” na may kabuuang tinatayang halaga na ₱2.444 milyon.

Ang naturang kargamento na idineklara bilang “Animal Food,” ay nagmula sa Paris, France at patungo sana sa Quezon City.

Dumating ang parsela noong Hunyo 22, 2025, at na-flag para sa pisikal na pagsusuri dahilan sa mga kahina-hinalang nilalaman at dokumento na nag-udyok sa mga Customs Examiners ng isang masusing pagsusuri.

Nagpositibo umano na mayroong mga iligal na sangkap ang naturang kargamento sa ginawang K-9 sweep at pisikal na pagsusuri ng mga operatiba mula sa PDEA-AIU. Natuklasan rito ang 1,003 tableta ng hinihinalang Methylenedioxymethamphetamine (MDMA o Ecstasy).

Ang naturang parsela ay naglalaman din ng dalawang transparent plastic pouches na naglalaman ng 106 gramo ng off-white powdery substance na hinihinalang Cathinone, at dalawa pang pouches na may 116 gramo ng crystalline substance na pinaniniwalaang Ketamine.

Isinumite sa PDEA para sa chemical analysis ang mga sampol ng naturang droga kung saan kinumpirmang positibo nga ang mga ito sa MDMA, Cathinone, at Ketamine—pawang klasipikadong ipinagbabawal na droga sa ilalim ng Republic Act No. 9165.

📸 BOC

Leave a comment