CLARK FREEPORT ZONE—Naharang at nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) ang ₱1.799 milyong halaga ng marijuana at cannabis-infused cartridges na idineklarang mga cosmetic items sa isang shipment mula sa United States, na patungo sa Cebu City.
Ang naturang kargamento ay na-flag para sa pisikal na pagsusuri dahil sa umano’y kahina-hinalang paglalarawan sa laman ng parcel na dumating noong Hunyo 19, 2025.
Sa K-9 sniff test na isinagawa ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ay nagbunga ng positibong resulta sa narcotics kung kaya’t nagsagawa pa ng masusing inspeksyon.
Ang parsela ay naglalaman ng tatlong (3) vacuum-sealed pouches—dalawang pouch ng mga tuyong dahon at fruiting top ng hinihinalang marijuana o “Kush,” na tumitimbang ng humigit-kumulang 1.046 kilo na may tinatayang halaga na ₱1,569,000.00.
Ang natitirang dalawang pouches ay naglalaman naman ng kabuuang 100 piraso (50 bawat pouch) ng yellowish substance na pinaghihinalaang mga cannabis-infused cartridge, na nagkakahalaga ng ₱230,000.00.
Ang mga nakolektang sample ay agad na ipinasa sa PDEA para sa laboratory testing kung saan na beripika ng pagkakaroon ng marijuana, na ikinategorya bilang isang mapanganib na droga sa ilalim ng Republic Act No. 9165
Isang Warrant of Seizure and Detention ang inisyu para sa nasabing shipment bunsod ng violations of Sections 118(g), 119(d), and 1113(f), (i), and (l) of Republic Act No. 10863, na kilala bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), in connection with Republic Act No. 9165.
📸 BOC


Leave a comment