Ang Pahayagan

LUTA CONTINUA, TULOY ANG LABAN NG SAMBAT MASINLOC 5 

Pansamantalang nakalaya ang limang magsasaka at mangingisda na inaresto sa gitna nang naganap na demolisyon noong Hunyo 19 sa Sitio Togue, Barangay Taltal, Masinloc Zambales. 

Giniba ang mahigit 100 kabahayan na nakaploob sa 32 ektaryang lupain at aabot sa milyong pisong halaga ng mga pananim tulad ng mais,sitaw,kamote, at marami pang iba ang winasak. Nawalan ng tirahan at kabuhayan ang mahigit 90 pamilya na binubuo ng 400 indibidwal.

Marahas umano ang isinagawang demolisyon at pagdakip sa limang miyembro ng Samahang Magsasaka at Mangingisda ng Barangay Taltal o SAMBAT.

Ito ay makaraan na tumangi umano ang 13 opisyal ng samahan sa alok na tig- tatlumpu’t- isang libong  piso (P31,000.00) na anila’y suhol upang makatuwang ang mga lider ng samahan na makumbinsi sa kanilang mga kasapian na lisanin na lamang pinagtatalunang lupang sakahan. 

Sa kabila nito iginiit ng mga lider at kasapian na lupa ang pinipili nila hindi ang abuloy na halaga dahil wala anilang katumbas na halaga ang kanilang  makasaysayan at makatarungan laban sa lupa, tirahan at kabuhayan. 

Nakapaloob umano ang 32 ektarya sa 55 ektaryang lupa na naipailalim sa programa ng pamamahagi nang lupa ng gubyerno.Subalit 23 ektarya lamang ang naiaward sa mga magsasaka noong  1989, habang ang 32 ektarya ay ideneklarang “not suitable for agriculture” ng  Department of Agrarian Reform kahit na matagal na etong sinasaka ng mga ninuno nila noong panahon pa ng Hapon. 

“Sinampahan kami ng mga pulis ng Masinloc ng  kasong Resistance and Disobidience, Physical Injuries bagama’t mapayapa lang naman namin na ipinaglalalban ang aming karapatan,” ani ni Niel Edward “Ka Ed” Geroca, tagapagsalita ng SAMBAT. at isa sa Masinloc 5. 

Leave a comment