Bilang pagkilala at suporta sa karapatan ng LGBTQIA+ Community, naki-isa ang Lungsod ng Olongapo sa pagdiriwang ng Pride Month sa pamamagitan ng isang parada na nagsimula sa Olongapo City National High School (OCNHS) na nagtapos sa Rizal Triangle Court, kung saan idinaos ang iba’t ibang programa at pagtatanghal nitong nakalipas na Biyernes, Hunyo 20.

Dumalo sa makulay na parada ang labimpitong (17) barangay ng lungsod, gayundin ng mga kinatawan mula sa Gordon College, Subic Bay Metropolitan Authority SBMA kasama ang kani-kanilang delegasyon na pawang mga kasapi ng komunidad ng LGBTQIA+.
Sa temang “Pagkilala sa Iba’t Ibang Uri ng Kasarian sa Daigdig,” pinangunahan at inorganisa ito ni Donna Brian Jahrling na pangulo ng LGBTQIA+ Olongapo City Association Inc. at Chairperson ng LGBTQIA+ Pilipinas Inc. sa Olongapo at buong Zambales.

Ang Pride celebration ay nag-ugat sa pag-aaklas sa Estados Unidos noong 1969, bilang tugon sa diskriminasyon at karahasang nararanasan ng LGBTQIA+ community. (Ulat at larawan para sa Ang Pahayagan / MITCH C. SANTOS)


Leave a comment