Ang Pahayagan

Bantay Sarado

Todo bantay ang mga Philippine Navy personnel sa 1.5 toneladang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P10 billion habang isinasagawa ng mga kagawad ng Philippine Drug Enforcement Agency ang dokumentasyon nitong gabi ng Biyernes, Hunyo 20, sa Naval Operating Base- Subic sa Zambales.

Nasabat ito ng Philippine Navy- Northern Luzon Naval Command kasama ang PDEA na lulan ng isang fishing boat may ilang milya ang layo sa Zambales.

Ang naturang mga kontrabando ang sinasabing pinakamalaking bulto ng iligal na droga na matagumpay na nahuli.

📸 NPAO

Leave a comment