Ang Pahayagan

PCGA-PCG Sports Clinic

Pinangunahan ni Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) Captain Gerald Anderson Jr., ang isinagawang sports clinic na naglalayong itaguyod ang youth development sa Masinloc, Zambales nitong Linggo, Hunyo 15.

Isinagawa ito sa pagtutulungan ng Coast Guard Civil Relations Service at Coast Guard District National Capital Region na nilahukan ng mga kabataan sa komunidad.

Ang nasabing sports clinic ay isa sa ipinapatupad ng PCGA at PCG na palakasin ang pakikipag-ugnayan sa mga komunidad na malapit sa mga baybayin at makapagbigay din ng makabuluhan at hindi tradisyonal na mga serbisyong pampubliko.

📸 CGCRS

Leave a comment