Ang Pahayagan

Sam Gor International Crime Syndicate, nasa likod ng mga floating shabu

PANGASINAN– Inihayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ang Sam Gor, isang malawak na international crime syndicate, ang pangunahing responsable sa pagtatapon ng higit sa isang tonelada ng methamphetamine hydrochloride, o shabu, na natuklasan ng mga lokal na mangingisda na inaanod sa baybayin ng Zambales, Pangasinan at Ilocos Sur.

Ayon sa ulat, ang Sam Gor Group ay nag-ooperate sa iba’t ibang bansa sa buong Asia-Pacific Region, kabilang ang Pilipinas. Bukod pa sa shabu, nagluluwas din ang naturang sindikato ng malakihang bulto ng heroin, ketamine, iba pang synthetic drugs at precursor chemicals.

Pinaniniwalaang kontrolado nila ang 40 hanggang 70 porsiyento ng drug trade sa rehiyon. Kumikita umano ang sindikato ng higit sa $17bilyon kada taon.

“Based on the packaging of shabu packs recovered in Philippine shores, they were contained in teabags with Chinese markings – a signature trademark associated with Sam Gor”, ayon sa pahayag ni PDEA Director General at Undersecretary Isagani Nerez.

“Sam Gor gained notoriety by engaging in all sorts of unconventional methods of drug smuggling, including the use of the high seas. They dump their illicit goods to be retrieved later by contact local cohorts. It’s a good thing that our hero fishermen got there first before the drugs fell into the wrong hands”, pagdidiin pa nito.

Napag-alaman pa sa ulat na nag-ugat sa katapangan at pagbabantay ng 56 na lokal na mangingisda ang pagkarekober sa kabuuang 1,038 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱7,058,400,000, na sinsabing isa sa pinakamalaking maritime seizure sa bansa.

“The sheer volume of surrendered illegal drugs is a resounding testament to the vigilance and integrity of our coastal communities. Honest deeds are always rewarded. Our hero fishermen will be given due recognition”, ani pa ni Nerez.

Nagpapatuloy ang retrieval operations ng pinagsanib na puwersa ng PDEA Regional Office I; the Philippine Coast Guard (PCG) District Northwestern Luzon; Philippine Navy (PN) Northern Luzon Naval Command; National Bureau of Investigation (NBI) Region 1; at ng Philippine National Police (PNP).

Leave a comment