Ang Pahayagan

MGA SUBERSIBONG DOKUMENTO, BALA, AT PAMPASABOG NAREKOVER NG PNP

ZAMBALES– Nakasamsam ang mga awtoridad ang mga subersibong dokumento, mga bala, at mga pampasabog sa isang operasyon ng Zambales Provincial Intelligence Unit noong madaling araw ng Martes, Hunyo 10 sa Mt. Piera, Sitio Dingin, Barangay Old Poonbato, Botolan, Zambales.

Ang naturang operasyon ay pinanguhan ni P/LtCol Crisanto Lleva sa ilalim ng superbisyon ni P/Col Benjamin Ariola, Acting Provincial Director ng Zambales PNP Office. Kasama din dito ang mga operatiba ng Zambales 1st Provincial Mobile Force Company at Zambales SWAT.

Isinagawa ito sa tulong umano ng isang dating kasapi ng CPP-NPA-NDF na boluntaryong nagbigay ng mahalagang impormasyon tungkol sa pinagtataguan ng mga pampasabog at iba pang kagamitang subersibo.

Narekober na ebidensya ang isang (1) pirasong Improvised Explosive Device (IED), apat (4) na piraso ng Rifle Grenade, tatlong (3) piraso ng Hand Grenade, iba’t ibang uri ng bala at mga subersibong materyales.

Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga tauhan ng Botolan Municipal Police Station, Zambales Police Explosive and Canine Unit (PECU), at 305th Company ng Regional Mobile Force Battalion 3 upang tiyakin ang kaligtasan ng komunidad na malapit rito.

📸 Zambales PNP

Leave a comment