KASO NG MAY HIV SA BANSA PATULOY ANG PATAAS.
Nakakabahala ang patuloy na pagtaas ng mga may Kaso nang mga May kaso ng Human Immunodeficiency Virus o (HIV) sa bansa. Halos Kabataang Pilipino nasa edad 15 hanggang 25 ang meron nito.
Kaya naman inirerekomenda ni Department Of Health Secretary Ted Herbosa (DOH) na ideklara ang HIV bilang isang National Public Health Emergency, para mas mapagtuunan ito ng mas malaking pansin sa kadyat.
Mas nakakabahala umano ang mabilis na bilang ng paglaki nito kumpara sa datos nang Monkeypox ayon pa sa kalihim.
Nitong Enero hangang Marso nang taon sa datos ng DOH ay umabot na sa 57 ang naitalang bagong kaso ng HIV kada araw, mas mataas kumpara sa 21 kaso kada araw noong 2024.
Ayon sa datos, pawang mga kalalakihan ang mas may mataas ng bilang ng tinatamaan sa kasalukuyan 15- 34 taon gulang sa kabuuang 26% ang naitalang may advance na HIV Infection sa oras ng kanilang diagnosis. 67 rito ay kasalukuyan sumasailalim pa sa Anti-retroviral Therapy o ART at 40% pa lamang ang May viral suppression.
Kasama na rito ang pinakabatang lalake na naitala na HIV positive sa edad na12.
Sa ngayun ay nangunguna na tayo sa may pinakamataas na bilang ng HIV sa buong Western Pacific. Dahil dito mas paiigtingin pa ng Kagawaran ng kalusugan ang pagdaragdag ng mga pasilidad ng HIV testing Hub sa babasa at ng mga Information Dissemination at Enhancement Protocol laban sa nakakabahalang virus.


Leave a comment