Ang Pahayagan

Subic Bay Jellyfish Alert

SUBIC BAY FREEPORT– Inalerto ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Ecology Center ang publiko hinggil sa mga namataang presensiya ng mga dikya sa Subic Bay.

Ang naturang babala ay upang matiyak ang kaligtasan ng publiko at maiwasan ang mga insidente ng jellyfish sting.

“Please be informed that box jellyfish sighting have been reported in Subic Bay. Box jellyfish have a tendency to move to shallower waters in order for them to reproduce or feed, especially after rainfall. With that, everyone is hereby requested to observe below listed protocols for a safer visit to Subic Bay,” saad sa naturang advisory na inilabas nitong Huwebes, Hunyo. 5, 2025.

Mahigpit ang tagubilin para sa mga stakeholder ng Subic Bay Freeport lalo na sa mga beach resorts na sundin ang mga protocol na kalakip sa advisory.

Sa naturang advisory ay nakasaad na dapat magbigay ng impormasyon o briefing sa mga lugar kung saan mayroon mga posibleng marine organism.

Hinikayat din ang paglalagay ng mga karatula sa mga lugar upang mabigyang babala ang mga bisita hinggil sa pagkakaroon ng dikya sa lugar.

Paalalahanan din umano ang mga bisita na laging magsuot ng proteksiyong damit tulad ng leggings, rash guard, at aqua shoes, lalo na ang mga bata.

Siguraduhin na mayroong first aid responder sa beach area sa lahat ng oras.

Leave a comment