Ang Pahayagan

10 sako ng shabu nakitang lumulutang sa karagatan narekober ng mga mangingisda

Zambales– Nadiskubre ng mga mangingisdang mula sa Bataan ang umano’y humigit-kumulang sa 222.655 kilo ng methamphetamine hydrochloride o shabu na lumulutang sa kanlurang bahagi ng karagatan ng Masinloc, Zambales bandang 5:30 ng hapon.nitong Huwebes, Mayo 29.

Ang naturang mga kontrabando na tinatayang may street value na ₱1.5 bilyon, ay nakapaloob sa sampung sako na naglalaman ng 223 ng vacuum-sealed transparent plastic packs.

Nabatid na natakot umano ang mga mangingisda sa posibleng pagganti ng mga taong nasa likod ng natagpuang droga kung kaya’t nagpasya silang itago muna ang mga ito sa isang grounded barge sa Mariveles, Bataan.

Ipinagbigay-alam lamang ng mga ito sa mga awtoridad dakong alas-4:05 ng hapon nitong Lunes, Hunyo 2.

Agad na nakipag-ugnayan ang Coast Guard Station Bataan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Bataan na agad nagsagawa ng on-site assessment at kinumpirma na ang mga narekober ay iligal na droga. Isang composite team ng CGS Bataan Quick Response Team, PCG K9 Unit Bataan, and PCG Intelligence personnel ang inatasang magbantay sa lugar.

Sa isinagawang paunang inspeksyon ay nagpositibo umano ang nasabing mga kontrabando bilang drug substance.

Ang mga tauhan ng CGS Bataan ay nananatili sa lugar upang tumulong sa dokumentasyon at seguridad, habang mga narekober na droga ay sasailalim sa forensic examination at confirmation sa PDEA RO 3 laboratory.

📸 PCG

Leave a comment