Ang Pahayagan

Barikada

Nananatiling sarado ang daanan patungong crater lake ng Mt. Pinatubo makaraan na manindigan ang mga katutubong Ayta ng Botolan sa Zambales at Capas sa Tarlac na tutulan ang muling pagbubukas nito.

Hangad anila na magkakaroon ng sinserong konsultasyon sa pagitan ng mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan upang mabigyang resolusyon ang kanilang ipinakikipaglabang karapatan para sa kanilang lupaing ninuno.

Hindi umano nila papayagan ang anumang tour related-activities sa Mt. Pinatubo hanggat wala silang kapahintulotan at pakikilahok,

Giit pa ng mga katutubo na sakop ng kanilang hawak na Certificate of Ancestral Domain Title o CADT ang Mt. Pinatubo crater lake kung kaya’t marapat lamang na sila ang namamahala rito.  Saklaw ng CADT na ito ang mga barangay ng Burgos, Villar, Moraza, at Belbel sa bayan ng Botolan, kung saan mayroong mahigit 2,000 mga katutubong Aeta ang naninirahan. (Ang Pahayagan / JUN DUMAGUING)

Leave a comment