BATAAN– Arestado ang apat na magkakapatid na umano’y sangkot sa pagbebenta ng droga at nakuhanan pa ng nasa Php 748,000.00 halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation nitong Linggo ng hapon, May 18, sa Barangay Cataning, Balanga City.
Ang operasyon na magkatuwang na isinagawa ng mga operatiba sa pangunguna ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Bataan Provincial Office at ng lokal na pulisya, kung saan naaresto ang mga magkapatid na sina alyas Aying, 48 anyos; Rara, 37; Roly, 33; at Ali, 29.
Kasama din sa mga arestado ang dalawa nilang umano’y kasabwat na sina alyas Ann at Ron-Ron.
May kabuuang anim (6) na transparent plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 110 gramo ng hinihinalang crystal meth o shabu na nagkakahalaga ng Php 748,000.00; isang (1) Android phone; at ang buy-bust money ang narekober ng mga operating team.
Ang mga nakumpiskang illegal substance ay ipinadala sa PDEA RO3 laboratory section para sa forensic examination and confirmation.
Ang mga akusado ay detinido ngayon at walang inirekomendang piyansa para sa mga ito. Inihahanda din na isasampang kaso laban sa mga ito sa ilalim ng Section 5 (sale of dangerous drugs) kaugnay ng Section 26B (conspiracy to sell) ng Republic Act 9165.
📸 PDEA Bataan Office


Leave a comment