“Buong kababaang-loob kong tinatanggap at iginagalang ang naging pasya ng Iglesia ni Cristo kahit ito po ay hindi pumapabor sa akin at hindi ako suportahan sa darating na halalan.
Nauunawaan ko na ang bawat organisasyon ay may sariling proseso at batayan sa kanilang desisyon, at karapat-dapat lamang itong igalang.
Gayunpaman, ako ay nagpapasalamat pa rin sa pamunuan ng Iglesia ni Cristo sa pagbibigay ng pagkakataon na ako ay makasama sa mga pagpipiliang kandidato at marinig ang aking mga plano sa siyudad ng Olongapo.
Ang Iglesia ni Cristo ay kaisa natin sa ating mga layunin para sa pagbabago at progreso ng Olongapo. Ang aking hangarin na magsilbi ay hindi magbabago—mananatili akong bukas-palad sa pagtulong at paglingkod, anuman ang pananampalataya, paniniwala, o kulay ng pulitika.
Tuloy pa rin ang aking laban para sa bagong Olongapo. Sama-sama pa rin tayong aabante tungo sa isang lungsod na mas maayos, mas makatao, at mas maunlad na siyudad.”


Leave a comment