Ang Pahayagan

1Pacman Partylist at Team Vegafria sanib puwersa para sa Olongapo

Olongapo city—Nagpahayag ng suporta ang 1Pacman Partylist para sa kandidatura sa pagka-alkade ni Dr. Arnold L. Vegafria nang dumalo ang pangunahing nominee ng naturang partylist group sa ginanap na grand rally nitong Biyernes, Mayo 9 sa Magsaysay Drive lungsod na ito.

Mismong si 1Pacman nominee Mikaela Louise “Milka” Romero ang naghayag ng suporta para sa businessman-event promoter mayoral candidate na kung sakaling mahalal aniya ang kanilang partylist ay buong suporta ang kanilang ibibigay upang tulungan naman si Vegafria sa kanyang mga plano para sa mga Olongapeño.

Ang 1Pacman Partylist aniya ay nakapagsilbi na ng maraming taon at nakapagsulong na ng mahigit 100 mga batas, kabilang na rito ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

“1Pacman champions sports, but it goes far beyond that. It champions the future: better job opportunities, stronger education systems, fair healthcare, and real support for young entrepreneurs and athletes alike,” saad ni Romero.

Ang businesswoman, sports executive at may-ari ng Capital1 Solar Spikers sa PVL na si Milka ang hahalili sa kanyang ama at kasalukuyang 1Pacman partylist representative na si Mikee Romero na magtatapos ang termino matapos ang halalan ngayong Mayo 12.

Leave a comment