Ang Pahayagan

BUHAYIN ANG EKONOMIYA NG LUNSOD NG OLONGAPO. 

Pagbuhay muli ng turismo kasabay ng pagtatayo ng Economic zone, pagsasaayos ng mga kalsada at pagsulong ng Medical Tourism ang ilang lamang sa inilalatag na programa ni Doc Arnold Vegafria.  

Ito ang mga binitawang prayoridad ng tumatakbong alkalde ng Olongapo City sa pagharap sa mga mamamahayag bago magsimula ang kanilang grand rally ng team Vegafria at 1 PACMAN Partylist na ginanap sa Magsaysay Drive, nitong Biyernes, Mayo 9, 2025. 

“Prayoridad ko talaga ang pagbuhay muli ng turismo sa dito sa Olongapo at ang pangunguna ng mga good and clean entertainment industry. Kasabay nito, ang pagtatayo ng sarili nating industrial zone, na tiyak na makakapagbigay ng kabuhayan at trabaho sa ating mga kababayan.” ani Vegafria.

Kasabay aniya sa turismo ang pagsasa-ayos ng mga kalsada at piliting magkaroon ng by-pass road, ang paggamit ng ating karagatan at mga kabundukan na hindi naman makaka-apekto at makakasira sa ating kalikasan. 

Kasabay din rito aniya ang paglalagay ng bus rapid transit,cable car, trump car at port development na hindi lang pang shipping at trading kundi pati na passenger gaya (Olongapo to Manila- to Batangas atbp).

“Ang pagpapatayo ng  Olongapo City Medical Center na may kapabilidad sa mga highly specialized cases ay bibigyan natin ng pansin,” diin ni Vegafria.

Kasabay  nito ay ang pagsasa-ayos ng bawat barangay dahil di umano ang may maayos na barangay ay malaki ang maging tulong para maka- akit ng mga turista. 

Ang mga ito ang inilalatag na alternatibo para sa mga Olongapeño ni Doc. Arnold Vegafria na kaabang-abang para sa lahat. Abangan.

Leave a comment