Ang Pahayagan

Mayo 12 Idineklarang non-working holiday ni PBBM para sa Halalan 2025

Idineklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Mayo 12 bilang special non-working holiday upang bigyang pagkakataon ang mga botante na lumahok sa pambansa at lokal na halalan.

Ang Proklamasyon Bilang 878 ay nilagdaan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin nitong Mayo 6, 2025.

Sa ilalim ng proklamasyon, binigyang-diin ni Pangulong Marcos ang “kahalagahan na ideklara ang Lunes, 12 Mayo 2025, bilang special (non-working) holiday upang bigyang-daan ang mga mamamayan na gamitin ang kanilang karapatang bumoto.

Leave a comment