Ang Pahayagan

OLONGAPO READY NA BA SA PAGBABAGO? 

Sa panayam kay Dr. Arnold Vegafria, tumatakbong kandidato para pagka-alkalde ng lungsod ng Olongapo, inilatag nito ang ilan sa kanyang mga plata porma de gobyerno at proyektong balak gawin kung sakaling palarin na mailuklok sa posisyon. 

“To rebuild the tourism industry of Olongapo, kung mapapansin natin kalahati ng Magsaysay drive  ngayon ay puro ukay- ukay ang laman na negosyo. Pag ako nanalo ang balak ko ay i- zoning ang industry dito sa atin, like Greenhills San Juan,” ang pambungad ng tinaguriang Manidyer ng Bayan.  

Paliwanag niya, kailangan ang paglikha ng iisang gusali sa lugar kung saan naroon ang kalakalan ng mga surplus na bagay katulad sa ginagawa sa mga karatig bansa sa Asya.

“Balak ko rin ibalik ang music industry at i- organize ang culture and arts sa hanay ng mga kabataang Olongapeño dahil naniwala ako na maraming talented dito,” saad pa nito.

Bubuhayin daw niya ang mga bars and nightclubs pero nakatuon ito sa music industry, at “good and clean entertaiment”.  

Ibinida din ni Dr. Vegafria na mga palengke na imbis umano na ibenta sa pribado ay gagawing modernong pamilihan subalit hindi magiging sobrang taas ang renta para sa maliliit na tindera.

Gagawin aniya itong vertical na yung second at ilang floor ay para maging parking space lalo’t problema sa lunsod ang mga parking area.

“Ibig sabihin, kahit sa gabi ay magagamit ang market at makakapag-generate ng income”, diin ng doktor..  

Lilinisin din umano ang mga karagatan at kailugan ng Olongapo dahil isa to sa gagawing pang-akit sa mga turista.

“Ang bawat barangay ay kailangan maglinis dahil gagawa tayo nga mga model barangay, ang lugar na malapit sa ilog ay kailangan linisin at gawan ng mga atraksyong panturismo,” ani Vegafria.  

Itataguyod din aniya ang Medical Tourism sa siyudad habang ang kasalukuyang ospital ay lalo pang pauunlarin na lalagyan ng mga bago at modernong kagamitan, na may mga nakatalagang mga espesyalistang doktor .

Ito ay upang magkaroon ng mga pasilidad na wala sa kasalukuyan ang Olongapo nang sa gayun ay hindi na kailangan pang lumuwas ng Maynila para magpagamot.

Si Vegafria ay unang tumakbo at nagpakilala sa mga taga Olongapeño noong 2022 Local and National Election nguni’t hindi ito pinalad na manalo. Maganda ang kanyang mga inilatag na programa subalit sa huli, ang mga botanteng Olongapeño ang magtatakda kung sino ang gusto nilang mamuno sa kanila. Abangan.

Leave a comment