Ang Pahayagan

Dangerous heat index nakataas sa 29 lugar ngayong araw

Dalawampu’t siyam (29) na lugar sa bansa ang makakaranas ng mainit na temperatura dulot ng danger-level heat index, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Sabado, Abril 26.

Ang heat index ay ang nararamdamang temperatura sa katawan ng isang tao mula sa pinagsamang humidity sa hangin.

Maaari itong makapagdulot ng heat cramp at heat exhaustion sa mga tao kapag nasa ilalim ng dangerous heat index na ang tala ay mula 42°C hanggang 51°C.

Makikita rin sa mga sumusunod na lugar ang mga indeks ng init sa antas ng panganib:

  • Laoag, Ilocos Norte – 42°C
  • Dagupan City, Pangasinan – 43°C
  • Batac, Ilocos Norte – 42°C
  • Bacnotan, La Union – 43°C
  • Aparri, Cagayan – 42°C
  • Tuguegarao City, Cagayan – 43°C
  • Echague, Isabela – 43°C
  • Baler, Aurora – 42°C
  • Subic Bay, Olongapo City – 43°C
  • Camiling, Tarlac – 42°C
  • Tayabas, Quezon – 42°C
  • Sangley Point, Cavite – 44°C
  • Ambulong, Tanauan, Batangas – 43°C
  • Infanta, Quezon – 43°C
  • Mulanay, Quezon – 42°C
  • Los Baños, Laguna – 42°C
  • Coron, Palawan – 43°C
  • San Jose, Occidental Mindoro – 44°C
  • Puerto Princesa City, Palawan – 43°C
  • Cuyo, Palawan – 42°C
  • Daet, Camarines Norte – 42°C
  • Legazpi City, Albay – 43°C
  • Masbate City, Masbate – 42°C
  • Pili, Camarines Sur – 43°C
  • Roxas City, Capiz – 42°C
  • Iloilo City, Iloilo – 43°C
  • Dumangas, Iloilo – 42°C
  • Catarman, Northern Samar – 42°C

Leave a comment