Isinagawa ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang selebrasyon ng Earth Day 2025 sa pamamagitan ng ibat-ibang serye ng mga aktibidad na sinimulan nitong Lunes, Abril 21.
Ang pinakatampok na aktibidad ang 16th Recyclables Collection Event (RCE) sa Mini Golf Course, kung saan ang mga stakeholder ay nagdala ng mga hazardous waste materials upang matiyak ang tamang pagtatapon ng mga ito, gayundin ng mga recyclable materials na mapakikinabangan pa.

Kasabay ng 16th RCE ang Trash for Rice project, isang social development program ng Subic Bay Freeport Electronics Recycling Association, kung saan pinapalitan ang mga dadalhing recyclable materials ng katumbas na halaga ng bigas.
Naging bahagi din sa selebrasyon ang Communication Education and Public Awareness (CEPA) caravan na nagkaroon ng mga lecture forum at technology exhibit ng mga sustainable products.
Sa CEPA lectures na ginawa nitong Martes, Abril 22 sa Function Hall ng Subic Bay Exhibition and Convention Center, tinalakay rito ang UBC Awareness and Collection Program ng GNS/ Tetra Pak Philippines; Bamboonihan and Green Foot Carbon Calculator ng Banco Kalikasan; Wastewater/ Grease waste management ng Soliman EcoWaste Management Corp., at ang PBC Waste Management ng Innogy Solutions Inc.
Itinakda naman sa Abril 24 naman ang talakayan sa Health and Environment.ng PCOM-Olongapo sa pamamagitan ng Google Meet.

Isinagawa din ang Earth Day 2025 Community Cleanup sa iba’t-ibang lokasyon sa Subic Bay Freeport Zone at ang Refill Revolution for a Cause, na layuning iwasan ang polusyong dulot ng plastik sa pamamagitan ng pagbabawas sa paggamit ng mga single-use plastics.


Leave a comment