ASAN ANG PANGIL? Meron nga ba talaga?
March 28.nang simulang ipinagbawal ng Commission on Election (COMELEC) ang pamimigay nang ayuda ng lahat nang kumakandidatong politiko sa loob ng apat-naput limang araw bago ang eleksiyon.
Ito rin ang nilalaman at nakasaad sa Omnibus Election Code- Section 263 at 264 na nagtatadhana na ipinagbabawal ang pamimigay ng kahit ano mang uri ng tulong pera man o in- kind ng sinumang kandidato.
Bukod dito ay mahigpit din ipinagbawal ng COMELEC ang panganagpanya ng sinumang kandidato sa lahat ng uri at mga political activity sa panahon ng Mahal na Araw. COMELEC Resolution Number 10999 at ang lahat ng mga lalabag sa kasunduang ito ay papatawan ng parusa o kaya ay maaaring. Madiskwalipa. Sa kanyang kandatura.
At habang ang karamihan ay nagninilay, taimtim na nagdarasal at isinasagawa ang kanilang panata, lantaran naman na isinasagawa ng ilang kandidato sa Lunsod ng Olongapo ang paglabag sa nasabing kautusan ng Kagawaran ng Eleksiyon.
Mahigpit na kinokondena at nanawagan ng pansin ng COMELEC ang isang Incumbent councillor na tumatakbong bise alkalde ng lungsod ng Olongapo.
Laban ito sa kapwa niya councillor na tumatakbo rin sa parehas na posisyon at kasama nito ang ilang katiket habang nasa isang tennis courts nitong Huwebes Santo na namimigay ng ayuda.
Bukod sa pagkundena ng City Councillor ay may mga nagkalat ding Video mula sa mga concern citezen na habang nagsasagawa nang pamimigay sa mga empleyado ng small town lottery ng kumpanyang Topaz Amusement Corp ay namataan ang presensiya dun ng isang kumakandidatong Bise Alkalde.
Sa nakaraang panayam ng mga mamahayag, mariing binitawang salita “kapag gumamit kayo ng ayuda o namigay ng ayuda na walang exemption sa COMELEC either’ yan ay vote buying o abuse state of resources, immediately I- disquilify natin wala ng IFS and buts,” ani ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia.
Matatandaang nanawagan ang ilang ahensiya gaya ng DSWD na kung maaari huwag lahat ng ayuda ay i- ban. Dapat din daw isalang – alang sana ang tinatawag nilang Ayuda para sa mga Kapos ang Kita o AKAP.
Okay naman ang panawagang eto basta hindi sasalamin sa sinumang kumakandidato at mismong kaalyado ng mga nasa LGU at DSWD ang dapat magdistribute without any name and public apperance of certain politician.
At sa nasabing pagkundena at pagkalampag sa COMELEC sa nasabing isyu sana ay may masusi kayong gawing imbistigasyon at patas na resulta sa gayon makita ng mamamayan at sambayanan ang tunay na pangil ng COMELEC -“ Meron nga ba talaga?”


Leave a comment