Ang Pahayagan

MAHALIN NATIN AT  PAHALAGAHAN  ANG ATING KATAWAN. 

80porsiyento ng mga Pilipino ay Kristiyano mula pa ng kolonyalismo ng  Kastila ay pinaangkop na sa atin ang mga tradisyon at paniniwala ng Katolisismo mula sa aral ng Biblia, Prayle at ng simbahang Katolisismo.  

Gaya na lamang ng paggunita natin sa Mahal na Araw ang pagkamatay at pagkabuhay ng muli ng Panginoong  Hesuskristo. Ipinako at namatay sa krus upang tubusin ang ating mga kasalanan. 

Mula sa tradisyong Palaspas, Pabasa, Moriones, Senakulo/Penitensya, Visita Iglesia, Siete Palabras at Salubong. Lahat ng ito ay aktibidad na nilalaman sa paggunita at pagpapaalala nang mahal na Araw. 

Wala naman pagtatalo o pagtutol sa gawain ito lalo na kung ikaw ay isang Kristiyano. Maliban lamang sa Pinetensiya  na bahagi ng Senakulo. Eto ay May aktibidad ng  grabeng pananakit at pagpapahirap sa katawan ng mga panitente o deboto sa paniniwalang eto ang paraan ng kanilang pagsisi at pagbabawas ng kasalanan. 

Ang Senakulo at Penitensya ay  mahigpit na tinututulan ng Simbahang Katoliko at kagawaran ng Kalusugan maging ang inyong lingkod ay mahigpit ang pagtutol dito. 

Hindi natin kailangan magpasan ng mabibigat na krus, saktan ang ating sarili, at sugatan ang ating katawan. Ang katotohanan ay gawin man natin eto nang paulit- ulit tayo ay tao lamang mahina at marupok. Pagkatapos ng tradisyon ay muli tayong magkakasala.   

Sagradong ipinahiram lamang sa atin ng siyang lumikha sa atin ang ating katawang lupa karugtong ng ating buhay at kalusugan kaya dapat natin itong pangalagaan.  Isinak kripisyo ng Diyos ama si Hesu Kristo para tubusin ang ating mga kasalanan. 

Ang Panata ay pagninilay at pagbabago tungo sa mabuting pagkatao. Aralin ang nilalaman ng biblia magpasalamat,magsisi, humingi ng tawad at magsisi sa bawat pagkakamali. Eto ang tamang Panata. 

Leave a comment