Ang Pahayagan

10 lugar makakaranas ng mainit na temperatura ngayong Lunes Santo

Sampung lugar sa bansa ang makakaranas ng matinding temperatura o nasa “dangerous index level ngayon Lunes Santo, ayon sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa pinakahuling pagtataya, sinabi ng (PAGASA) ang mga sumusunod na lugar ay maaaring makapagtala ng mga heat index mula 43°C hanggang 44°C: NAIA Pasay City, Metro Manila – 44°C, Echague, Isabela – 44°C, Sangley Point, Cavite – 44°C, Dagupan City, Pangasinan – 43°C, Tuguegarao City, Cagayan – 43°C, Subic Bay, Olongapo City – 43°C, San Ildefonso, Bulacan – 43°C, Ambulong, Tanauan, Batangas – 43°C, San Jose, Occidental Mindoro – 43°C at Dipolog, Zamboanga del Norte – 43°C.

Ang mga lugar na may 42°C hanggang 51°C heat index ay pawang nasa ilalim ng danger category, habang ang mga lugar na may 33°C hanggang 41°C ay nasa ilalim naman ng kategoryang “extreme caution,” ayon pa sa PAGASA

Ang heat index ay tumutukoy sa temperaturang nararamdaman ng katawan ng tao na ibinabatay sa pinagsamang halumigmig (humidity) at temperatura ng hangin.

Leave a comment