Ang Pahayagan

“Danger Level” heat index sa Zambales at Catanduanes, posible ngayong Huwebes

ZAMBALES—Posibleng umabot sa 43°C ang heat index ngayong Huwebes, Abril 3, sa Iba, Zambales at Virac, Catanduanes, ayon sa pagtaya ng PAGASA.

Inilabas ng state weather bureau ang pagtaya kahapon, Abril 2, kung saan ang naturang mga lugar ay isinailalim sa heat index na “danger level”.

Ang antas na ito ay mapanganib at potensyal na magdulot ng heat stroke, heat cramp at pagkahapo.

Batay sa PAGASA, ang nakakategorya sa mga lugar na may 42°C hanggang 51°C heat index ay nasa ilalim ng danger category, habang ang mga lugar na may 52°C pataas ay nasa ilalim ng extreme danger.

Leave a comment