ZAMBALES—Isang sunog na bangkay ng lalaki ang natagpuan sa Sitio Sukit, Brgy. San Rafael, San Felipe, Zambales, umaga ng Martes, April 1.
Ayon sa nakalap na ulat, tinatayang may taas na 5’4” hanggang 5’6” ang biktima na natagpuan ang labi kasama sa sinunog na mga gulong ng sasakyan sa gilid ng protective dike sa naturang lugar.
Nakuha ang mga imbestigador malapit sa bangkay ang isang walking baton, commemorative plate na naka-engrave ang “NBI” at isang NBI logo.
Bunsod nito ay nanawagan ang mga awtoridad sa publiko sa anumang impormasyon na makakatulong na malutas ang naturang kaso. Maaring iparating ang impormasyon sa San Felipe Municipal Police Station at 0998-598-5509.


Leave a comment