Inaasahang aabot sa “danger level” heat index sa ilang lugar sa Luzon ngayong araw ng Miyerkules, ayon sa forecast ng PAGASA.
Sa kategoryang ito ay posibleng umabot sa 42°C hanggang 51°C ang temperatura, na mapanganib sa kalusugan na posibleng maging daan sa heat cramp, pagkahapo sa init, at heat stroke.
Batay sa heat index kahapon (Martes) naranasan ang 42°C sa Iba, Zambales at sa Catanduanes.
Inabisuhan ang lahat na mag-ingat at umiwas lumabas sa katanghaliang tapat kung hindi naman importane ang lakad. Pinayuhan din na magdala ng panggalang sa init kapag nasa labas at uminom ng itinakdang dami ng tubig.


Leave a comment