Ang Pahayagan

Philippine Army at U.S. Army sanib pwersa sa “SABAK” 2025 para palakasin depensa ng bansa

NUEVA ECIJA– Sinimulan na ng Philippine Army ang Salaknib at Balikatan Exercises 2025 o “SABAK” sa ginawang joint opening ceremony na pinangunahan ni Army Vice Commander Maj. Gen. Leodevic B. Guinid sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija nitong Lunes, Marso 24, 2025.

Sa SABAK 2025, pinagsama ang pwersa ng Philippine Army at U.S. Army Pacific (USARPAC) para sa mga joint at combined exercises sa ilang pangunahing lokasyon sa Pilipinas.

Nakatuon ang SABAK 2025 sa defense readiness, gayundin para sa Humanitarian Civil Assistance, Information Operations at Counterintelligence and Protection.

Sa pagbubukas ng SABAK 2025, tinalakay nina Guinid at 25th ID Deputy Commander USARPAC Brig. Gen. Jonathan A Velishka ang magiging saklaw ng naturang pagsasanay.

📸 Philippine Army

Leave a comment