Ang Pahayagan

Philippine Fleet muling pinagtitibay ang pangako sa pangangalaga sa baybayin, lumahok sa isang beach clean-up drive

Ang Philippine Fleet (PF), sa pamamagitan ng kanyang Office for Civil-Military Operations (F7), ay lumahok sa isang coastal cleanup sa baybayin ng Sitio Cabangaan katuwang ang mga grupong sibiko at representante ng local na pamahalaan sa Barangay. Cawag, Subic, Zambales.

Ang kanilang sama-samang pagsisikap ay nagresulta sa pag-alis ng 50 sako ng sari-saring basura mula sa dalampasigan. Naging makabuluhan din umano ang epekto sa kapaligiran na nakatulong sa pagpapanumbalik ng natural na kagandahan ng tabing-dagat ang isinagawang paglilinis, ayon sa pahayag ng PF sa kanilang social media post.

📸 Philippine Fleet

Leave a comment