Ang Pahayagan

Trike drayber nanagasa ng pulis sa checkpoint arestado

ZAMBALES– Nasugatan ang isang pulis matapos na sadyang sagasaan ng tricycle driver na nagtangkang umiwas sa joint COMELEC checkpoint operation sa Barangay. Nagbunga, San Marcelino, hapon ng Linggo. February 9, 2025.

Kinilala ang pulis na si PCpl. John Nelson Flores, 36, miyembro ng Philippine National Police (PNP) at residente ng Brgy. Pamatawan, Subic, Zambales. Nagtamo ito ng mga sugat sa kanang binti matapos sinadyang banggain ng motorsiklo ng suspek na kinilala lamang sa alias “Bert,” 25, a resident of Brgy. Cawag, Subic, Zambales.

Napag-alaman na ang suspek ay lulan ng itim na Honda TMX 155 (UF 4677) na na-flag down para sa inspeksyon subalit sa halip na huminto ay mabilis na humarurot at tangkang tumakas kung kaya’t nabundol nito si PCpl. Flores.

Ang naturang insidente ay mariing tinuligsa ni P/BGen Jean S. Fajardo, Regional Director ng Police Regional Office 3 (PRO3).

“This reckless assault on one of our officers is an attack on the very peace and order we are sworn to protect. Our police personnel put their lives on the line daily to uphold the rule of law and ensure the safety of our communities—especially during this crucial election period. Let this be clear: any act of violence against our officers will be met with swift justice. We will exhaust all legal means to hold the perpetrator accountable. I call on the public to respect and support our men and women in uniform as we work together for a secure and orderly election,” mariing pahayag ni Fajardo.

Sa kabila ng insidente ay hinimok ng PNP ang publiko para makipagtulungan sa mga alagad ng batas sa panahon ng mga operasyon ng checkpoint. Binigyang-diin na bahagi ito sa mga hakbang sa seguridad na mahalaga sa pagpigil sa krimen at pagtiyak ng integridad ng paparating na halalan.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek at nahaharap sa kasong frustrated homicide at disobedience to lawful orders. (Ulat sa Ang Pahayagan / JUN DUMAGUING)

📸 Zambales PNP

Leave a comment