Ang Pahayagan

Mag-asawang drug den operator, 2 iba pa, arestado sa reyd sa Subic

ZAMBALES– Arestado ang mag-asawang umano’y operator ng isang drug den at dalawang iba pa sa buy-bust operation na nagresulta sa pagkakasamsam ng humigit-kumulang Php 54,400.00 halaga ng shabu sa Barangay Calapacuan, bayan ng Subic, nitong Linggo ng gabi (Pebrero 9).

Ayon sa ulat ng PDEA Zambales Provincial Office, kinilala lamang ang naarestong mag-asawa sa kanilang mga alyas na Loy, 36 anyos, at Mae, 24 anyos at dalawa pang kasamahan ng mga ito na kiilala sa mga alyas na Cille at Vince.

Nakuha sa mga nahuling suspek ang kabuuang limang (5) plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang walong gramo ng shabu na nagkakahalaga ng Php 54,400.00; ibat-ibang mga paraphernalia para sa droga; at ang marked money na ginamit sa buy-bust operation.

Kasalukuyang nakadetine ang mga naarestong suspek sa PDEA Jail Facility sa City of San Fernando, habang ang mga ilegal na substance ay ipinasa sa laboratoryo ng PDEA RO3 para sa forensic examination.

Nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165, o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang mga naarestong suspek.

📸 PDEA

Leave a comment