Patuloy na minamatyagan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang galaw ng mga barko ng Chinese Coast Guard na iligal pa rin umanong nanghihimasok sa karagatang sakop ng Pilipinas.
Ito ang nabatid mula kay PCG spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Jay Tarriela na nagsabing patuloy ang pagmonitor ng BRP Suluan sa CCG vessel 3304 na kasalukuyang nasa malapit sa baybayin ng Zambales.
“The Philippine Coast Guard remains steadfast in its commitment to safeguarding the country’s maritime interests and upholding international law without escalating tensions,” pagdidiin ni Tarriela.
Batay sa datos mula sa PCG, pinalitan ng BRP Suluan ang BRP Gabriela Silang sa pagtatanod na CCG 3304.
Ang naturang barko ng Tsina ay huling namataan umano 105 nautical miles sa Zambales, malapit sa Bajo de Masinloc sa distansyang 28 nautical miles.
Ang CCG-3304 ay pinalitan ng isa pang barkong Tsino na may bow number 3103 gabi ng Martes, Enero 21.
“Despite challenging sea conditions with wave heights of 2-3 meters, BRP Suluan has maintained close monitoring of CCG-3103, effectively preventing the larger vessel from approaching the Zambales coastline,” saad ni Tarriela.
Kasalukuyang nasa saklaw na Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas ang tinaguriang “monster ship” na CCG-5901, sa layong 113 nautical miles sa Zambales, at 19 nautical miles sa Bajo de Masinloc.
Sa monitoring pa rin ng PCG, ang CCG-3103 ay patuloy sa ilegal na pagpapatrolya sa baybayin ng Zambales, at kasalukuyang nasa 76 nautical miles ng Pundaquit, San Antonio, Zambales.
📸 Ang BRP Suluan (PCG)


Leave a comment