Ang Pahayagan

2024 DTI Bagwis awardees ng Olongapo City at Zambales pinarangalan

SUBIC BAY FREEPORT– Ginawaran ng Department of Trade and Industry (DTI)- Zambales sa pakikipagtulungan ng Zambales Consumer Affairs Council – ZCAC ng Bagwis seal ang labing-apat (14) na DTI Bagwis Certified Establishments sa Olongapo City at Zambales nitong Huwebes, Disyembre 12 sa Royal Park Restaurant sa Subic Bay Freeport zone.

Sa ilalim ng DTI-Bagwis Program, binibigyan ng nararapat na pagkilala ang mga establisyimentong nagtataguyod ng karapatan ng mga mamimili habang nagsasagawa ng responsableng negosyo kung saan ang mga mamimili ay nakakakuha ng pinakamahusay na halaga katumbas sa kanilang pera.

Hinihikayat din sa programang ito ang pag-set up ng Consumer Welfare Desks (CWDs) o katumbas na tanggapan ng customer relations sa loob ng kanilang mga establisyimento na magbibigay ng impormasyon sa mga konsyumer at magsisilbing mekanismo para sa mabilis na pagresolba ng mga reklamo.

Ang 14 DTI Bagwis Certified Establishments ay: (Gold category) ● Pan Appliance Corporation (Addessa Olongapo) ● Bricolage Philippines, Inc (Mr. D.I.Y – Waltermart Subic) ● Bricolage Philippines, Inc (Mr. D.I.Y – Baraca Camachile Subic) ● Bricolage Philippines, Inc (Mr. D.I.Y – Harbor Point Mall) ● Bricolage Philippines, Inc (Mr. D.I.Y – West Bajac-Bajac) ● Robinsons Supermarket Corp. (Robinsons Easymart) ● Sanford Marketing Corp. (Savemore Market Iba) ● Meridien Business Leader, Inc. (The SM Store – SM Downtown) ● Main Shopping Princesa Phils., Inc ( The SM Store – SM City Olongapo Central) ● Abacus Book and Card Corp (National Bookstore – SM City Olongapo Central) ● Abacus Book and Card Corp (National Bookstore – SM City Olongapo Downtown).

Para naman sa Bronze Category ay iginawad sa ● Sabal Car Care Corporation ● Earthstones Floor Center, Inc. ● AIED Auto Care Services (Rapide – Iba)

📸 DTI Zambales

Leave a comment