Ang Pahayagan

SSS nag-isyu ng show cause orders sa mga delinquent employers

ZAMBALES– Nag-isyu ang Social Security System (SSS) ng show cause order sa anim na hinihinalang mga delingkwenteng employer sa ilalim ng kampanya nitong “Run After Contribution Evaders” (RACE) sa lalawigan ng Zambales nitong Biyernes, Disyembre 6.

Ang naturang mga show cause order ay inihatid mismo ng mga kinatawan ng SSS Iba Branch sa pamumuno ni Acting Branch Head Ihreen Grace Sagaoinit.

 Ito ay para sa anim na delingkwenteng employer na may kabuuang 15 mga apektadong empleyado.

Nabatid sa ulat na mula Enero hanggang Disyembre 6, 2024 ay nakakolekta na ang SSS Iba ng Php722, 818.32 mula sa mga delingkwenteng employer sa Zambales.

Saklaw ng SSS Iba ang walong bayan ng Zambales mula San Felipe hanggang Sta. Cruz.

Sa 94 na employer, 23 ang ganap na nagbayad ng kanilang mga obligasyon, anim rito ang nag-avail ng partial o installment option, anim ang na-refer sa legal department, apat ang nasampahan ng kaso sa korte, habang 18 pa sa mga natukoy na delingkuwenteng employer ang inaasahan ang pagsunod sa mga itinakdang alituntunin.

Ang Run After Contribution Evaders (RACE) Campaign ay programa ng SSS upang hikayatin ang mga employer na ayusin ang kontribusyong laan para sa kanilang mga empleyado.

Inilunsad ng ito noon pang 2017 upang matiyak na protektado ng Social Security ng mga miyembro nito.

📸 Sa pamumuno ni Acting Branch Head Ihreen Grace Sagaoinit, naglabas ng show cause order ang SSS Iba para sa anim na delingkwenteng employer sa Zambales.

Leave a comment