Namahagi na ng “Pamaskong Handog para sa Zambaleño” ang Pamahalaang Panlalawigan ng Zambales sa pamumuno ni Gobernador Hermogenes Ebdane Jr., na sinimulan sa bayan ng Castillejos, araw ng Linggo (Nobyembre 17).
Ang taunang proyekto ay naglalayon na mahatiran ang bawat pamilya sa mga barangay ng lalawigan ng pamaskong handog. Hangad umano nito na may mapagsaluhan ang ating mga kababayan sa darating na Pasko at Bagong Taon.
Nabigyan na ng food packs sa mga mamamayan sa mga munisipalidad ng San Narciso, Castillejos, Palauig at San Marcelino.
“Taon taon ay lubos po ang aking kasiyahan na kayo ay mahandugan ng munting regalo. Hangad natin ang isang masaya at makabuluhang Pasko ng bawat Pamilyang Zambaleño,” sambit ni Gob. Ebdane.
📸 Zambales for the People


Leave a comment