Ang Pahayagan

Paslit ligtas sa atake ng ahas

OLONGAPO CITY – Himalang nakaligtas ang isang bata nang atakehin ito ng ahas sa Barangay Mabayuan nitong Lunes, Setyembre 30.

Naging viral ang naturang cctv footage na in-upload ng isang Rush Bawiga Roman kung saan ipinakikita rito ang isang bata at kasama nito na naglalakad paakyat sa isang eskinita nang makasalubong nila ang ahas.

Kita sa nasabing video na biglang sumigaw ang bata na aktong may iniiwasan at ilang saglit pa nakita ang isang ahas na umaaktong nanunuklaw.

Ayon sa comment sa isang snake identification group, sa “attack posture” umano na ipinakita nang nasabing ahas sa video ay posibleng isa itong Philippine cobra.

Posible din anila na “dry bite” o kundi man hindi tumama ang tuklaw ng ulupong sa bata kung kaya’t naligtasan nito ang tiyak na kapahamakan.

Sa pinaka huling ulat, ligtas na umano ang bata na inobserbahan sa isang ospital sa Subic Bay Freeport. Negatibo din umano ang kamandag sa isinagawang blood examination sa bata.

📸 vid grab / Rush Bawiga Roman

Leave a comment