Sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), nagbigay ng tulong pangkabuhayan ang opisina nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano para sa 800 benepisyaryo sa mga bayan ng Conner, Apayao, at Solana, Cagayan.
Ang mga naparatingan ng ayuda ay ang mga senior citizen, persons with disabilities (PWDs), magsasaka, at kababaihan sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) Program.

Naisakatuparan ang pamamahagi sa dalawang probinsya sa tulong ni Former Congresswoman Carol Lopez ng LUNAS Partylist. (PR)


Leave a comment