Ang Pahayagan

IBP-Zambales aasiste sa rehistrasyon ng samahan ng mga mangingisda sa Subic

ZAMBALES– Nakatakdang tulungan ng Integrated Bar of the Philippines –Zambales Chapter na marehistro ang organisasyon ng mga mangingisda sa Subic sa pamamagitan ng pag-asiste sa mga dokumentong kakailanganin upang maging isang lehitimong samahan.

Ito ang bunga sa pag-uusap ng mga representante ng mga mangingisda sa Barangay Calapandayan at ng IBP-Zambales sa pangunguna Atty. Dahlia Salamat na ginanap kamakailan. Ang naturang pulong ay isinaayos ng National Union of Journalist of the Philippines-Olongapo – Zambales Chapter.

Bahagi ito na mga gaganapin na iba pang aktibidad tulad ng paglulunsad ng “Rights Seminar” para sa mga mangingisda na lumalaot sa West Philippine Sea kung saan namamayani pa rin ang tension kaugnay sa pinag-aagawang teritoryo.

Binubuo ng halos 100 kasapian ang naturang fishing community subalit wala pa rin umano silang rehistradong asosasyon.

Inaasahan na sa pag-asiste ng IBP-Zambales ay matulungan ang mga ito na maging lehitimong samahan na rehistrado alinman sa Securities and Exchange Commission o sa Department of Labor and Employment at iba pang ahensiya ng pamahalaan.

Sa naturang pulong ay may nagmagandang-loob din na magbigay ng Php30,000 bilang panimulang pondo ng binubuong asosasyon upang magagamit sa pagproseso ng legalisasyon ng samahan. (Larawan at ulat para sa Ang Pahayagan / JUN DUMAGUING)

Leave a comment