Ang Pahayagan

DAGDAG SAHOD AT BENEPISYO: PANGANDAMAN, IPINAG-UTOS SA DBM NA MADALIIN ANG GUIDELINES SA SALARY INCREASE

Ipinag-utos na ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah “Mina” F. Pangandaman sa mga opisyal ng DBM ang pagsasapinal ng guidelines sa pagpapatupad ng salary increase, kasunod ng pagpirma ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Executive Order No. 64, na nagpapahintulot sa pagtaas ng sahod at pagbibigay ng karagdagang allowance sa mga kawani ng gobyerno.

“I already instructed our concerned DBM officials to swiftly complete the guidelines for the approved salary increase,” ayon kay Sec. Mina.

Pinasalamatan din ng Kalihim ang Pangulo sa pagpirma sa nasabing EO na kinakailangan ng DBM para pagpapatupad ng Salary Standardization Law VI (SSL VI).

“With this EO, we can now roll out the first tranche of SSL VI. We will rush the implementing guidelines so that government employees will see their first round of salary increases this 2024,” saad pa ni Secretary Pangandaman.

Retroactive

Binigyang-linaw rin ng Kalihim na ang pagpapatupad sa nasabing salary increase ay retroactive.

“Ang computation po para sa initial tranche natin ay retroactive to January 1, 2024, so merong salary differential or back pay,” paliwanag ng Budget Secretary.

Pinirmahan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin noong ika-02 ng Agosto 2024, sa bisa ng kapangyarihan ng Pangulo, ang EO 64 na agarang magiging epektibo oras na malathala sa Official Gazette o sa mga pahayagan.

Salary Increase sa Apat na Tranches

Bukod sa makatatanggap na ng umento sa sahod ang mga empleyado ng gobyerno ngayong 2024 sa ilalim ng first tranche, susundan ito ng second tranche sa susunod na taon.

“I am happy to announce na ang salary increase ay napondohan natin hindi lang for 2024 but also for 2025. Secured po ang increase this year at may increase din next year,” ayon kay Sec. Pangandaman.

“We can look forward to another round of salary increases with the implementation of the second tranche of SSL VI next year. The DBM has earmarked P70 billion under the FY 2025 MPBF (Miscellaneous Personnel Benefits Fund) to cover the additional cost requirements for both the first and second tranches of SSL VI, with the latter taking effect on January 1, 2025,” dagdag pa niya.

Ang pondo para sa pagpapatupad ng first tranche ng SSL VI para sa mga empleyado ng gobyerno ngayong taon ay nasa tinatayang P36 billyong piso. Ang kakailanganing pondo ay manggagaling sa available allocations sa ilalim ng FY 2024 General Appropriations Act (GAA), partikular na mula sa MPBF.

Sakop ng inaprubahang salary increase ang lahat ng civilian government personnel sa Executive, Legislative, at Judicial branches, kasama na ang Constitutional Commissions and Offices, Government-Owned or -Controlled Corporations (GOCCs) na hindi saklaw ng GOCC Governance Act of 2011 at Executive Order No. 150 (s.2021), at Local Government Units (LGUs).

Ipatutupad ito sa apat na tranches, na retroactive mula ika-01 ng Enero ngayong taon at kada taon simula ngayong 2024.

Ang pag-apruba sa salary increase ay alinsunod rin sa mga layuning nakasaad sa Philippine Development Plan at “Bagong Pilipinas”, na mas paunlarin pa ang bansa sa pamamagitan ng komprehensibong societal at governmental reforms.

Mga Kawani ng Gobyerno, makatatanggap ng P7,000 medical allowance

Simula FY 2025, makatatanggap rin ang mga kawani ng gobyerno ng taunang medical allowance na hindi hihigit sa P7,000 bilang subsidiya sa pag-avail ng health maintenance organization (HMO) o HMO-type benefits. Ang subsidiyang ito para sa medical allowance ay batay sa ipalalabas na mga kondisyon at guidelines na manggagaling sa DBM at Governance Commission for GOCCs, kung naangkop.

“Matagal ko na po itong pangarap na matanggap ng ating mga government workers. I have been pushing for this advocacy since 2017, and I am happy that only in the administration of President BBM that this advocacy finally became a reality. Ayaw po natin na lugi ang ating mga government employees pagdating sa benepisyo,” ayon kay Sec. Mina.

“Masaya po tayo na kasama sa EO ang medical allowance. Pagdating ko sa executive, napansin ko na wala po tayong HMO. Pinaglaban po talaga natin ito. For 2025 National Expenditure Program, P9.5 billion ang nakalaan dito,” pagpapatuloy pa ng Kalihim.

Makikita ang kabuuang kopya ng Executive Order sa Official Gazette, na nagbibigay detalye sa salary adjustments para sa mga LGU personnel, maging ang funding provisions nito. (PR)

Leave a comment