BATAAN—Kasalukuyang binabantayan ang oil spill na posibleng kumalat mula sa lumubog na oil tanker noong kasagsagan ng super typhoon Carina at Habagat sa karagatan na sakop ng lalawigang Bataan, Huwebes ng madaling-araw (Hulyo 25).
Sa ulat ng Philippine Coast Guard, nasagip ang labing-anim na tripulante ng Philippine-flagged Motor Tanker (MT) Tera Nova may lulan na 1.4 milyon litro ng industrial fuel oil sa 3.6 nautical miles east ng Limay, Bataan habang naglalayag ito patungo sana sa Iloilo.

Ayon kay PCG Spokesperson, CG Rear Admiral Armando Balilo, apat sa 16 na tripulante ang binigyan ng atensyong-medikal matapos na masagip.
Kasalukuyang nasasagawa ang BRP Melchora Aquino (MRRV-9702) ng isang search and rescue operations ang para sa isang nawawalang tripulante ng barko.
Nagsasagawa din ng aerial survey ang Coast Guard Aviation Command bilang bahagi ng oil spill response operations ng mga otoridad para hadlangan ang posibleng pagkalat ng langis sa karagatan.


Leave a comment