Ang Pahayagan

Detalyadong pagbusisi sa New Senate Building (NSB)

Ipinakita ni Senador Alan Peter Cayetano ang natanggap na mga dokumento at briefer mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) bago ang itinakdang pagdinig sa Miyerkules tungkol sa New Senate Building (NSB). Sa kanyang Facebook post nitong Lunes, ibinahagi ni Cayetano, na Chair ng Senate Committee on Accounts, na masusi niyang babasahin at pag-aaralan ang mga dokumento bilang paghahanda sa pagdinig. Ito ay matapos bigyan ng deadline ng komite si DPWH Secretary Manuel Bonoan na isumite ang mga dokumento upang mabigyan sila ng sapat na panahon para suriin ang mga materyales bago ang pagdinig sa Miyerkules, July 3. (HO photo)

Leave a comment