Isang Hawksbill sea turtle ang nailigtas ng mga miyembro ng Sagip Pawikan ng Sitio Fuerte matapos itong matagpuan nakukulumpulan ng lambat sa dalampasigan ng Bonito 2 Resort, Barangay Poblacion, Morong, Bataan.
Sa kabila ng mga sugat na natamo ng pawikan, masigla pa rin ito kung kaya’t agad din itong pinakawalan pabalik sa dagat makaraan na matanggal ang nakapulupot na lambat.

Panawagan ng mga kasapi ng Sagip Pawikan ng Sitio Fuerte, maging responsible ang mga residente sa kanilang lugar sa pagtatapon ng kahalintulad na bagay sa karagatan dahilan sa malaking banta ito sa mga yamang dagat tulad ng pawikan. (Larawan mula sa Sagip Pawikan ng Sitio Fuerte)


Leave a comment