Zambales—Tatlong kababaihan na umano’y nahuli sa aktong naglalaro ng tongits ang kalaboso makaraang masakote sa isinagawang Anti-Illegal Gambling Operation ng pulisya sa Barangay San Rafael sa bayan Cabangan, Zambales.
Ang operasyon ng pulisla ay pinangunahan ni PCpt Orlee Silvido sa pangangasiwa ni PMaj Anthony Berdonar hepe ng Cabangan Municipal Police Station.
Nakuha sa pag-iingat ng mga naaresto ang playing cards at betting money na inimbentaryo ng mga pulis sa harap ng mga opisyales ng barangay. Ang tatlo ay nahaharap sa kasong paglabag sa PD. 1605 Illegal Gambling with recommended bail na P 30,000 kada isang tao.


Leave a comment