Ang Pahayagan

20 depektibong timbangan huli sa ikot palengke ng DTI

ZAMBALES—Dalawampung (20) mga depektibong timbangan (weighing scales) ang kumpiskado sa dalawang magkahiwalay na operasyong “Ikot Palengke” ng Department of Trade and Industry (DTI) sa lalawigang ito.

Resulta ito sa  paglilibot ng mga kinatawan ng DTI-Zambales Provincial Office kasama ang mga miyembro ng Local Price Coordinating Council, Office of the Market Master at miyembro ng kapulisan sa mga pamilihang bayan ng Subic at San Felipe nitong ika-19 at 20 ng Hulyo 2023.  

Isinagawa ang monitoring at inspeksyon upang suriin ang mga timbangan kung tama ang mga ito at sinusunod ng mga tindahan ang itinatakdang Business Name Law at Price Tag Law.

Na-inspeksyon ng grupo ang mahigit 178 na pwesto sa palengke sa bayan ng Subic kung saan 11 timbangan ang nakitaang depektibo samantalang 190 stall naman ang narikorida sa San Felipe Public Market kung saan siyam (9) na depektibong kilohan ang nakumpiska.

Ang Ikot Palengke program ay inisyatibo ng DTI upang masiguro ang proteksyon ng mga mamimili laban sa hindi patas na kalakalan at proteksyon ng mga konsyumers. (Ulat sa Ang Pahayagan / JUN DUMAGUING)

📸 Larawan mula sa DTI-Zambales

Leave a comment