BATAAN– Natagpuan ng mangingisdang si Alvin Menez ang isang metal object na may Chinese markings na palutang-lutang sa bahagi ng Napot Point, Barangay Nagbalayong, Morong, Bataan.
Hinihinalang ang metal ay bahagi ng Chinese automated cargo spacecraft na Tianzhou na pinalipad mula sa Wenchang Space Launch Center sa Hainan, China noong nakalipas na buwan ng Mayo.

Sinikap ni Menez na madala ang nakitang metal sa dalampasigan ng Sitio Samuyao, Barangay Mabayo, Morong at kaagad na ipinagbigay-alam sa pinakamalapit na Coast Guard Station.
📸 Larawan mula sa Philippine Coast Guard


Leave a comment