Ang Pahayagan

“Pinta’t Hiraya, Laro’t Likha” Exhibit matagumpay na nailunsad

Zambales– Naging matagumpay ang isinagawang eksibisyon na “Pinta’t Hiraya, Laro’t Likha” na ginawa sa Museo ni Ramon Magsaysay sa bayan ng Castillejos.

Ayon kay Dr. Efreign Earl N. Villanueva, ang naturang exhibit ay proyekto ng Castillejos Association of Neo-Classical Visual Arts Specialists (CANVAS) at ito ay inilunsad mula ika-08 ng Oktubre hanggang Nobyembre 12 ng taong kasalukyan.

Pormal itong binuksan sa pamamagitan ng simpleng seremonya na dinaluhan nina Noel B. Gaton, Shrine Curator II ng Museo ni Ramon Magsaysay; Mr. Elmer Borlongan, International Visual Artist; Sangguniang Bayan members ng Castillejos na sina Cecil F. Rafanan at Albert R. Tugadi; Sta. Maria Punong Barangay Susan Soria at iba pang mga panauhin.

Itinatag ni Villanueva ang CANVAS noong 2013 at ito ay organisasyon ng mga kabataan sa Castillejos na may talento sa tatlong tradisyunal na sining biswal, ang pagpipinta, eskultura at arkitektura. Kasalukuyang guro sa Castillejos National High School sa ilalim ng Special Program in the Arts si Villanueva na ang pangunahing programa ay nakatuon sa sining sa buong lalawigan ng Zambales

Programa ng organizasyon ang paggawa ng Free Hand Drawing, Posters, Slogan, Collage, Murals, Landscape, Portraits, Sketching kasama rin ang Graphics at Digital Arts gaya ng animation, photography at digital collage.

Kabilang na rin sa gawain ang pinaka bagong uri ng sining biswal na kung tawagin ay Mixed Media Arts kung saan ito ay mga pinaghalong  mga materyales na makikita lamang sa kapaligiran at recycled mula sa basura gaya ng mga retaso ng tabla o plywood, katsa o sako ng harina, mga grains o buto ng mga gulay, balat at tangkay ng kahoy, dayami at kung anu-ano pang mga local indigenous na materyales.

Sa loob ng halos 10 taon, nakapag uwi na rin ng samut-saring karangalan dahil sa pagkakapanalo nito sa iba’t ibang larangang kompetisyon ng sining biswal  mula Division, Regional at maging sa National.

At upang matustusan ang panganga-ilangan ng mga kabataang miyembro ng organisasyon ay nagbebenta sila ang kanilang mga obra at gayundin ng mga serbisyo sa pagpipinta sa mga silid-aralan, barangay plaza, mga back-drop ng mga paligsahan at mga business establisments Gumagawa rin sila ng mga brochures, pamphlet, flyers at iba.

“Sa kasalukuyan nasa mahigit 100 na ng aktibong miyembro nito at patuloy na dumarami at aasahang guguhit ng mga panibagong kasaysayang sa bayan ng Castillejos,” pahayag pa ni Villanueva. (Dagdag na ulat si Kalajah Dumaguing para sa Ang Pahayagan)

📸Mga larawan mula sa NHCP Museo ni Ramon Magsaysay at Earl Villanueva

Leave a comment