SUBIC BAY FREEPORT—Kakailanganin ang 550% karagdagang trabahador para sa bagong proyekto ng Nidec Subic Philippines Corp na tinustusan ng Php4 Billion.
Ito ang pahayag ng pamunuan ng nasabing kumpanya sa pangunguna ng presidente nito na si Takeshi Yamamoto at administration adviser Toshihiko Kasahara sa isang pakikipagpulong kamakailan sa mga kinatawan ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).
Nabatid na sa bagong proyekto ay tataas ang bilang ng mga manggagawa sa 4,068 mula sa kasalukuyang of 625.
Ang karagdagang trabahador ay kakailanganin upang mapunan ang taunang target sa produksyon para iluwas sa mga bansang United States, Europe, Japan, Korea, China, India at Brazil.
Ang Nidec ay nagtayo ng kayang pasilidad sa Pilipinas noong 1995. Mayroon itong planta sa Laguna at sa Subic Bay Freeport na gumagawa ng mga reducer gears.


Leave a comment