Ang Pahayagan

Dalawa ang patay, 3 ang nasagip, isa pa hinahanap dahil sa pagkalunod sa Zambales

Zambales- 2 katao ang kumpirmadong namatay, habang tatlo naman ang nailigtas sa pagkalunod habang naliligo sa dalampasigan ng lalawigang ito.

Sa pinakahuling ulat, nasawi ang isang lalaki at pamangkin nito habang naliligo sa dalampasigan ng Barangay San Miguel, San Antonio noong Hulyo 15.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, kinilala ang biktimang sina Ederson Cabral, 36, at Ashley Ren Dela Cruz, 15, pawang mga taga- Calumpit, Bulacan na sinasabing tinangay ng malalaking alon habang naliligo sa San Miguel beach.

Sa retrieval operation ay narekober ang bangkay ni Cabral sa karatig na bayan ng San Narciso samantalang nakita din ang bangkay ni Dela Cruz makalipas ang ilang oras.

Nauna rito ay natangay din ng malalakas na alon ang mga kaanak ng ng mga biktima na sina Wendell Dela Cruz, 24; Aizher De Leon, 19; at Aeron De Leon, 15 subalit agad naman na naisalba ng mga residente sa lugar.

Samantala, beniberika pa rin otoridad ang isang hiwalay na ulat ng pagkalunod sa dalampasigan naman ng Iba.

Sa isang post sa social media ng isang nagpakilalang Josh Behrens, humingi ito ng tulong na mahanap ang kanyang nawawalang pinsan na ayon sa kanya ay kasama ng ina nito na tinangay ng malalaking alon.

Nakasaad sa post ni Josh na naliligo aniya ang mag-ina sa isang beach resort nang tangayin ang mga ito ng alon kung saan hindi na naisalba ang kanyang tiyahin samantalang nawawala pa rin sa kasalukuyan ang kanyang pinsan na si Charity Grace Montalban.

Leave a comment