Matagumpay na nailunsad ang Arbor Day celebration 2022 na pinangunahan ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) Ecology Center sa pakikipagtulungan ng iba pang departamento at empleyado dito kasama na din ang mga manggagawa sa mga kumpanya sa Freeport zone.
Sa ilalim ng temang “Bi-ayang Chawon Year 2”, kabilang sa mga naisagawa ang iba’t-ibang mga aktibidad tulad ng “Chawon: An online Lecture Series”, at photo and eco-friendly product exhibit sa Harbor Point Ayala Mall.
Pinaka-tampok na aktibidad rito ang tree planting activity sa CBD hanggang Boton area ng Subic Bay Freeport at Pastolan Aeta village; wildlings collection at forest clean-up sa Pamulaklakin Forest Trail at El Kabayo area, na dinaluhan ng mga kalahok sa kabila ng bahagyang pagka-udlot ng aktibidad noong Hunyo 30 dahilan sa mga pag-ulan dulot ng Habagat.
Nagkaroon din ng on the spot photo contest habang ginagawa ang aktibidad noong Hulyo 5.
Ang Pahayagan Photos


Leave a comment