Nangunguna pa rin bilang tourist destination ang Subic Bay Freeport sa Gitnang Luzon at napanatili nito ang ika-limang puwesto sa buong bansa sa kabila ng pananalasa ng COVID-19 pandemic.
Ito ang inihayag ni Jem Camba, Tourism Department Manager ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), na nagsabing kinumpirma ng Department of Tourism na ang Subic Bay Freeport ay napanatili ang number 1 spot na may natalang 7,374,332 bisita at 737,486 tourists sa nakalipas na taong 2021.
Sa kabila nito ay siniguro ng SBMA na sumusunod ang mga hotel at iba pang tourism related establishment sa health and safety standards, sa pamamagitan ng weekly inspection na isinasagawa ng kanilang ahensya.
Patuloy din ang sports tourism events gaya ng Subic Bay International Triathlon, Audax Ride, FRIKE: Mountain Bike Fun Race, at ang 2022 Rally Sprint Series Round 1 na pawang mga sport events na naudlot sa panahon ng pandemya.
On-track na din aniya ang SBMA sa kanilang 2022 tourism outlook gayundin sa inaasahang muling pagbabalik ng mga cruise ship sa susunod na taon.




Leave a comment